Saan nga ba
patungo?
Nagwawakas
ba ang balintataw?
At sa humihikbing daniw,
May palad
bang naghihintay?
Nilalakbay
ang buhay, bitbit ang mga tanong.
Sa akin
bang pagbangon, puso ko ba'y aahon?
Ang pintig
ng puso'y gumagapang na tutuldok.
Kung saan
ang hangganan, hindi ko maarok.
Parang
alapaap. Katulad ng pangarap
Abot man ng
tanaw, ngunit di ng kamay.
Habambuhay bang babasahin
sa hangin
ang saysay?
Saan nga ba
patungo, gumagapang na tutuldok?
At sa aking
pagbangon, puso ko ba'y aahon?
Pagbangon
ba ay pag-ahon?
Naisulat
sa labas ng Nuat Thai Spa, matapos panggigilan ni alyas Mercy ang
naipong lamig sa aking likuran.
No comments:
Post a Comment
Hello, Gordon Sumner!