Tuesday, 15 October 2013

Ang higanti ni Anubis



  
Sapagkat palagi na lang siyang nagtitimbang ng puso at naghahatid ng mga kaluluwa sa kaharian ni Amun-Ra, nawawalan na ng kumpiyansa sa sarili si Anubis. Ayon sa kanilang kasunduan, lahat ng kaluluwang pinabigat ng mabuting puso ay hindi mamamatay kundi makikisalo sa piging ni Amun-Ra. Ngunit simula nang lagdaan nila ang kasunduan, naging dehado na si Anubis.

Naghimutok ang kabiyak niyang si Anput. “Yaman lang din na puro pagtitimbang ang ginagawa mo at walang kaluluwang naiiwan dito, bakit ka pa tatawaging diyos ng kamatayan? Hindi ka diyos, Anubis. Timbangan ka lang ni Amun-Ra.”

Umalulong ng pagsang-ayon ang mga aso ni Anubis. Gutom na gutom na ang mga ito. Nginangatngat na nila ang kanilang mga buntot. Duguan na ang sugatan nilang dila. Malayong-malayo sa matatabang kaluluwang nagsasaya ngayon sa hapag ng kanyang kapatid. Ang kapatid niyang nanigas na ang biloy sa bilugang pisngi. Si Amun-Ra na walang ginawa kundi umawit ng papuri, tumugtog ng lira, at magpasalamat sa bawat kaluluwang ihinahatid sa kanya ni Anubis.

Narinig ni Anubis ang alingawngaw ng halakhakan sa piging ni Amun-Ra. Tila tinutuya siya. Siya na panginoon ng kamatayan. Siya na diyos sa kahariang walang laman. Kinuha ni Anubis ang kanyang mga palaso at pinalipad iyon sa hanging pumapagitna sa kaharian ng liwanag at dilim.

Napuno siya ng poot.

Kinatas ni Anubis ang kamandag ng kanyang pangil. Bumaba siya sa lupa at pinahiran ng kamandag ang mga utong at labi ng natutulog na ina.

Tuwing nagpapasuso ang mga ina, sinisipsip ng mga gutom na sanggol ang kamandag ni Anubis. Nauulol sila. Nagpapalahaw. At lalo lamang tumitindi ang kanilang pag-iyak kapag inaalo sila at hinahalikan ng kanilang ina.

Hindi nagtagal, naging makamandag ang laway ng tao. Nabaliw ang taong sumimsim ng halik. Naramdaman niya ang matinding lungkot at poot. Naranasan niya ang magselos at maghiganti. Natutunan niyang nakawin ang ligaya ng iba.

Ngayon, matataba at panay na ang dighay ng mga aso ni Anubis.

Tahimik na ang piging ni Amun-Ra.

Open the basket



Enter the game and play by the rules, you said.

Open the basket. Arms raise in a rainbow of welcome. Close the basket. Fingers clasp like bolts, unmoved by hearts beating against closed doors, pleading to be let in.

In a game where the number of doors is inversely proportional to the population of lost feet, the lucky ones find their place as queens in the fortress of her lovers' arms. Others become leftovers plucked out and replaced like unwanted fruit.

You watch us scramble for receptacles of our gifts. Baskets yawn as fruits yearn for validation of their sweetness. Disheartened dismay keeps the game  entertaining. Dejected minstrels chronicle casualties in song. Poets make an accounting of hurts. A bleeding painting is handed out as consolation prize. Losers are greeted by a cacophony of sighs.

The baskets open and close like an infant's hands. They are filled and emptied. Filled and emptied. In a cycle where gifts are ephemeral, where hands are left in a state of eternal want.

You, who hold the whistle. You, who command on whim. shuffling your feet, twiddling
your thumbs, entertained by obedience.

I lied.

Watch as I dance around baskets, a moth flitting close but never consumed. A gaze that lingers but never stays. Watch me elude hands longing to enclose the sweetest fruit always out of reach. Watch as I open baskets like oysters, liberate pearls from a sarcophagus of arms. Watch as I command hearts like a drum. Watch as I run. And I run and I run and I run and

I won.

Monday, 14 October 2013

Nawala kay Pinocchio









Isa sa mga nagbigay ng trauma sa akin noong bata ako ang kuwento ni Pinocchio. Si Pinocchio kasi ang fairy tale character na palaging naglalakad sa bingit ng kahindik-hindik na pagkakamali. Andun 'yung nagpagoyo siya sa dalawang hoodlum kaya lumiban ng klase at naglaro sa perya. Andun 'yung kine-kebs niya si Jimini Cricket, ang kanyang portable  kunsensya. Andun 'yung nagsinungaling siya kay Master Geppetto dahil ayaw niyang malungkot at madismaya ang lumikha sa kanya.

Gawa sa kahoy si Pinocchio, pero siya ang pinakatotoong tao sa Fairy Tale universe. Siguro 'yun ang kaakibat na sumpa ng pagnanais niyang maging Real Boy: ang pagiging tao ay ang paglalakad sa pilapil na nakalambitin sa bangin ng pagkakamali.

Pero kahit alam mong may peligro, maglalakad ka pa rin. Susugal ka pa rin dahil gusto mong maging Totoong Tao. At ang Totoong Tao, nag-iisip, nagdedesisyon, at tumataya sa kinabukasan.

Isa sa sumpa ng pagiging Totoong Tao ang makailang beses na pangangailangang magkula ng kunsensya. Naalala ko ang unang Shakespeare story na nabasa ko sa edad na pito. Hindi Romeo at Juliet kundi ang Ladybird children's story version ng Macbeth.  Oo, may matalinong gumawa ng Ladybird children's story version ng Macbeth. But wait, there's more-- ILLUSTRATED din ito. Isa sa mga hindi ko malilimutan ang mala-multong imahe ni Lady Macbeth na naglalakad habang tulog para maghugas ng kamay. Tapos aning na aning siya dahil hindi nalilinis ng tubig ang mantsa ng dugo nina Lady Macduff, Banquo, at King Duncan sa kanyang mga daliri. Noon ko naintindihan ang ibig sabihin ng nababagabag na kunsensya. Noon ko rin naunawaan ang peligro ng pagsisinungaling sa sarili.

Maraming taong nanlilinlang ng kapwa. Pero mas marami ang nagsisinungaling sa sarili.  Madalas, nagsisinungaling ka dahil mas madaling lumiko sa kakahuyan kasama si Big Bad Wolf kesa dumeretso sa makamandag-kunsensyang sermon ni Grandma. Madalas, tulad ni Pinocchio, curious lang din tayong malaman kung hanggang saan natin kakayaning makalusot.

Hanggang saan ba makakalusot kay Geppetto bago magtaray si Blue Fairy at magpataw ng parusa? Gaano kalayo ang ligtas lakarin bago ma-boljak ng mga haragan? Lahat ba talaga ng kanto may mga hoodlum na nag-aabang? Masama ba talaga ang lumiban ng klase para tumambay sa perya? Higit sa lahat, nakakarimarim bang talaga ang naghihintay na parusa?

Mahirap maglakad sa makipot na pilapil na nakalambitin sa bangin ng pagkakamali. Pero mas humihirap ang bawat hakbang dahil natitisod ka ng maraming tanong. Kanan o kaliwa? Taas o baba? Oo o hindi? Ngayon o bukas? Fish o chicken? Chicken o ham? Pera o pag-ibig? Coco Martin o Ricky Martin?

Bukod sa hindi mo na nga alam ang LAHAT eh curious ka pa. Kaya siguro hugis question mark ang karit (sickle) ni Kamatayan. Curiosity killed the cat at peligroso ang labis na pambo-Boy Abunda.

Ngunit kung tutuusin,  itong tinatawag nating buhay ang pinakamalaking misteryo sa lahat. Sa klase ng philo, palaging sinasabi na ang tao ay hindi deja la, o ganap na nilikha. Habang buhay ka, patuloy mong papandayin ang iyong sarili dahil sa kamatayan lang ganap na matatapos ang paglikha ng Sarili. Kung gayon, tayo rin pala mismo ay naglalakad na mga tandang-pananong.  At dahil tandang-pananong ang tao, hindi niya maiiwasang matisod rin paminsan-minsan sa kanyang sarili.

Minsan, hindi mo talaga alam ang sagot sa mga tanong. Minsan, hindi mo namamalayang nalilinlang mo na pala ang iyong sarili. Minsan, natotorete ka sa dami ng mga tanong at ayaw mo nang magdesisyon.

Masuwerte si Pinocchio dahil humahaba ang ilong niya kapag hindi siya nagsasabi ng totoo.  Kumbaga, may ebidensya ang pagkakamali. At 'pag may ebidensya, mas madali itong aminin sa sarili at remedyuhan. Mahirap kasing intindihin ang diwa ng kaluluwang hindi mo naman nakikita. Kung si Jimini Cricket, the Portable Kunsensya nga eh madaling i-kebs, paano pa kaya ang kunsensyang hindi mo naman nahahawakan?

Marami akong nakakasalamuha sa pagtatrabaho sa gobyerno. Merong mga nagbibigay inspirasyon. Mga taong tapat sa serbisyo, may integridad, at mahusay sa kanilang tungkulin. Pero meron ding nakakadismaya. Sa kanila ko nabatid na ang kabutihan at kasamaan ng tao ay parang tore ng Babel. Ginagawa nang paunti-unti. Sa mga pagpili ng desisyong makasarili at gahaman, darating ka sa puntong hindi mo na alam na mali na pala ang ginagawa mo. Masasanay ka na kasi. Siguro kapag tulog ka ay nagkukula ka rin ng kunsensya tulad ni Lady Macbeth. Pero malilimutan mo rin iyon sa pagmulat ng iyong mga mata.

Bago ginawang Real Boy ni Blue Fairy si Pinocchio, nagdaan muna siya sa matinding pagsubok. Kailangang patunayan niya na mabuti siyang bata, na makikinig na siya sa tawag ng kunsensya at gagawin ang tama para sa mahal niyang si Maestro Geppetto. At nang iligtas niya ang maestro sa pagkalunod, nang ibuwis niya ang sariling buhay para sa iba, saka lamang siya naging totoong tao.

Sa isang aspekto, ganun din tayo. Ang ibig sabihin ng pagpapakatao ay pagkilala sa esensya ng pagiging tao. Ang pagkalinga sa kapwa at paghahanap ng kahulugan sa bawat sandali ng buhay. Naging totoong tao si Pinocchio nang matuto siyang magpahalaga ng kapwa.

Sa totoong buhay, mahirap pahalagahan ang kapwang may atraso sa'yo. Mahirap hanapan ng redemptive aspect ang lalaking tinatarantado ang kaibigan mong naïve. Mahirap hanapin ang mukha ng Diyos sa mga taong nakikipagbarilan sa ngalan ng relihiyon. Mahirap magpakatao sa taong ninakaw ang pinaghirapang buwis ng bayan para ipambili ng limited edition Ferragamo shoes. Mas masarap silang bangasan, umbagin, at tratuhing pakshet na malagkit. Sabi ni lord, kapag nahaharap ka raw sa sangangdaan ng galit at pag-ibig, dapat sa pag-ibig ka pumanig. Subalit sa mga pagkakataong ito. paano ka magpapakatao nang hindi nagsisinungaling muna sa iyong sarili?

Sa huling eksena ng Pinocchio, nagsasayaw sila sa tuwa ni Maestro Geppetto dahil isa na siyang Real Boy. Si Jimini Cricket naman, gradweyt na sa pagiging portable kunsensya. Ibig sabihin, simula sa sandaling iyon, pasan na ni Pinocchio ang tungkuling unawain kung ano ang tama at mali at piliin ang tamang daan. Noong bata ako, iyon ang ending na pinakaayaw ko sa lahat. Sa ibang fairy tales kasi, malinaw ang katapusan. Nakuha ng prinsesa ang prince charming, nabali ang sumpa, at tumira ang lahat sa kastilyong magara.  Samantalang si Pinocchio, hayun at bata pa rin. Tapos na ang pelikula pero nagsisimula pa lamang ang totoong buhay niya. 

Puwede pa rin siyang magoyo ng mga haragan dahil bata pa siya. Mararanasan pa niya ang unrequited love. Magkaka-taghiyawat pa siya. Babagsak sa Math at  Chemistry. Magtatrabaho para mabuhay. Para sa tulad ni Pinocchio na naglalakad palagi sa bingit ng pagkakamali, walang kasiguraduhan ang pagiging maligaya.

Pero siguro iyon din ang paalala sa atin ng kuwentong ito. Walang kasiguraduhan ang pagiging maligaya. Ang tanging magagawa mo lamang ay maglakad at magpatuloy. Sa bawat sandali, pipili ng sagot ang naglalakad na tandang pananong hanggang sa magwakas ang nobela ng kanyang buhay sa isang tahimik na tuldok.

Monday, 7 October 2013

Shrine of Santo Niño de Tacloban



Music used to breathe in this space.  Now the metronome is silent.

The ballroom is a yawning mouth with yellow teeth. The carpet, a red tongue slithering through balustrades, coated with dust, dead songs, and echoes of lovers' feet. Stained glass windows washed immaculate refract yellow light on polished wood, mosaic walls, and ornaments too precious they have been denied the sun.

(Photo credit: callezaragoza.com)


(Photo credit: flickriver.com)
 (Photo credit: islandtravelphilippines.blogspot.com)
 (Photo credit: callezaragoza.com)


 An Arab knife with obsidian blade lay supine beside lacquered porcelain from the Galleons. Oriental cabinets encrusted with mother of pearl reveal a silver crucifix from Rome, the many layered selves of a matrioshka doll, and words entombed in first edition English tomes. King Louis XIV chairs face the grand portrait of an ageless Madonna, cradling the guillotined heads of her cherubim children from an ominous god who adorned her sylphlike feet with lavender heels that crushed serpents.


 (Photo credit: panoramio.com)

There used to be lovers holding hands behind marble statues, breathing each other's sigh. A man's deft hands once romanced Van Cliburn’s piano now moldy and mute. Another held his woman like a glass of wine. Women dressed like flowers danced to a waltz and defrocked to a tango in bedrooms with sepal curtains. The sartorial evidence washed clean the morning after, along with cutlery gone limp and crusty from an evening of exploring mouths. 

 (Photo credit: callezaragoza.com)

 (Photo credit: flickr.com)

 (Photo credit: senyorita.net)

Now shadows bloom on walls, wind scatters dust like ellipses, and rooms named after proud provinces have become cemeteries of decaying memory, occasionally remembered by a staccato of lost feet.


 (Photo credit: lakas.com.ph)

  (Photo credit: panaylakbay.com)

  (Photo credit: callezaragoza.com)



At the shrine entrance, a century old Niño Jesus beckons. Patina has stained the ivory, lending sanctity to its half-shut eyes. As if inebriated with divine milk. As if burdened with mercy. As if holding out for one more confession from a perfumed penitent before closing its eyes to the rows of empty pews, the opulent ghosts lingering in deserted halls, and the tunnel of light from an open door always out of reach.

  (Photo credit: flickr.com)